Uumpisahan kaagad ang pagpapatayo ng limang gusali sa loob ng Subic Bay Freeport na magiging pabahay para sa mga piling empleyado ng SBMA.
Ito ay sa oras na mapagbigyan ang hiling ni SBMA Chairman Administrator Ed Aliňo sa Pangulong Bongbong Marcos na mapondohan ang proyekto sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program.
Ayon kay SBMA Deputy Administrator Armie Llamas, nagkaroon na ng pirmahan ng Memorandum Of Understanding ang Sbma at ang Department of Human Settlements and Urban Development tungkol dito.
Sa oras na maitayo ang humigit kumulang isanlibong housing unit ay magiging benepisyaryo nito ang mga rank and file employees ang mga maliliit ang sinasahod.
Tiniyak naman ni Llamas na mababa ang buwanang babayaran ng mga makaka-avail sa pamamagitan ng Pagibig Fund o kung hindi man ay ibang paraan ng pagbabayad.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO