Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung pansamatala na munang isasara sa publiko ang Manila Baywalk Dolomite Beach.
Ito ay matapos ang nakatakda muna nitong pagsasara mula October 29 hanggang November 3, 2021.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, mahaba pa naman ang panahon upang makapag-usap sila kung tuluyan na muna itong isasara at wala muna ulit papayagang makapamasyal sa dolomite beach.

Kaugnay nito, humihingi naman ng paumanhin ang kalihim sa publiko dahil sa nangyari noong weekend kung saan dinagsa ng napakaraming tao ang naturang pasyalan.
Tiniyak naman ng kalihim na hindi na muli mangyayari ang pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach. //MHEL PACIA-TRINIDAD