Papayagan ng gobyerno ang mga nakakompleto ng kanilang Sinovac doses na pumili ng brand bilang booster shot na aaprubahan ng regulatory bodies.
Ayon kay vaccine czar at chief implementer ng National Task Force Against Covid-19 Carlito Galvez Jr., na hihinintay nalang nila ang inaprubahang amendment ng kasalukuyang emergency use authorization na ibinigay sa COVID-19 vaccine manufacturers.
Sa oras na maaprubahan ng Food and Drug Administration, ibibigay ng World Health Organization-Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (WHO-SAGE) ang kanilang final recommendation sa kalagitnaan ng Nobyembrem kung saan magagamit ang vaccine brand para sa third dose o mixed sa naunang doses na naiturok.
Sa gitna nito, hihintayin ng gobyerno ang final say ng WHO para maiwasan ang “discrimination” sa ibang brands.

Mababatid na inaprubahan na ng DOH ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na magbigay ng booster shots para sa healthcare workers at senior citizens, anim na buwan matapos nilang makompleto ang single- o two-dose COVID-19 vaccine, habang ang mga immunocompromised patients ay makakakuha ng karagdagang , 28 araw matapos nilang makompleto ang kanilang vaccination. //MHEL PACIA-TRINIDAD