DOLE Sorsogon hinimok ang mga LGUs na i-intitutionalize ang kani-kanilang mga PESO

Sa layuning makatulong sa higit na pagpapadali ng pagbibigay trabaho partikular na sa mga unemployed, patuloy na hinihikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) Sorsogon ang mga Local Government Unit sa lalawigan na i-institutionalize ang kani-kanilang mga Public Employment Service Offices o PESO.

Sa pahayag ni DOLE-Sorsogon Provincial Head Mary Jane Rolda, sinabi nito na ang institusyonalisasyon ng PESO ay kinokonsidera nang mandatory kasunod ng Memorandum Circular No. 12, Series of 2022 ng Civil Service Commission o ang Guidelines and Standards in the Establishment of Organizational Structures and Staffing Patterns sa mga LGU’s at mayroong malaking kontribusyon sa paghahangad ng LGU para sa Seal of Good Local Governance (SGLG).

Aniya, mahalaga din umano ito upang epektibong maipatupad ang mga serbisyo at programa ng DOLE.

Mababatid na ang Public and Employment Service Office (PESO) ay employment service facility ng gobyerno na inatasang tiyakin ang maagap, napapanahon, at mahusay na paghahatid ng mga employment services.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *