Kampo ni de Lima, inaasahang mareresolba na ang bail petition bago ang Hunyo

Umaasa ang kampo ni dating Sen Leila de Lima na ang kanyang bail petition sa Muntinlupa court ay mareresolba bago ang sunod na pagdinig sa kanyang kaso.

Ayon sa abogado ni de Lima na si Atty. Filibon Tacardon, inaasahan nila na hindi na aabutin pa ng buwan ang pananatili ni de Lima sa kulungan.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Dagdag pa niya, dedesisyonan daw muna ng naturang korte ang formal evidence ng prosekusyon bago nito tatalakayin ang inihain nilang petisyon.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ani Tacardon, inamin ng prosecution na nagkamali sila sa pag-mark ng ilang mga ebidensya, at nakita nila sa transcript na mayroon talagang nangyaring discrepancies.

Naka-schedule ang sunod na hearing ng dating Senadora sa June  5. //MHEL PACIA