Inanunsyo ng fuel company na Petro Gazz na magpapatupad sila ng price rollback sa diesel at gasoline products.
Ito ay sa kabila ng isa pang inaasahang massive hike sa presyo ng petroleum products sa susunod na linggo.
Sa isang advisory, sinabi ng Petro Gazz na ang kanilang stations sa buong bansa ay may roll back sa diesel na P5.85 per liter at gasolina sa P3.60 per liter, na epektibo ngayong araw March 10 hanggang 13.

Ang rollback ay layung mabawasan ang epekto sa mga motorista para sa susunod na round ng oil price hike sa susunod na linggo.
Sinasabing sa susunod na linggo, ang presyo sa bawat litro ng diesel ay may dagdag na P12.72, habang sa gasolina ay tinatayang tataas sa P8.28 per liter.