DOLE, ipinag-utos na ang resumption ng nationwide labor inspections

Ipinag-utos na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang resumption ng nationwide labor inspections.

Mababatid na ang Labor inspections ay nasuspende noong Disyembre, para bigyang daan ang DOLE, na tapusin ang lahat na pending na labor standards cases at paghandaan ang inspection program para sa 2022.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na batay sa Administrative Order No. 11, Series of 2022, pinayagan ni Bello ang Department’s labor inspectors na magsagawa ng routine inspections, complaint inspection, occupational safety, health standards investigation, at special inspection sa mga establisyemento hanggang sa December 31, 2022, maliban kung ipapawalang bisa.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Kaugnay nito, mahigit 600 labor inspectors ang binigyan ng authority na magsagawa ng inspections sa mga establisyemento sa buong bansa.

Samantala, 126 technical safety inspectors naman ang binigyan ng kapangyarihan na magsagawa ng Technical Safety Inspection ng boilers, pressure vessels, internal combustion engines, elevators, hoisting equipment, electrical wirings, at iba pang mechanical equipment installation. //MHEL PACIA-TRINIDAD