3 members ng K-pop band iKON, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong miyembro ng K-pop boy band na iKON.

Ayon sa YG Entertainment, sina Kim Jin-hwan, Song Yun-heong at Kim Dong-hyuk, ay kumpirmadong nahawa sa COVID-19, matapos makaranas ng ilang cold symptoms.

Read More:  Comedian Ate Gay dies at 55 after battle with cancer

Negatibo naman ang tatlong iba pang miyembro na sina Bobby, Koo Jun-hoe at Jung Chan-woo.

Read More:  Ate Gay’s family announces wake and funeral details

Sinabi naman ng kompaniya na, nakikipagtulungan sila sa imbestigasyon ng health authorities, at ginagawa ang lahat ng hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.