SORSOGON CITY – Nilinaw ni Department of Labor and Employment (DOLE)-Bicol Public Information Officer Joanna Gasga ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi buo na maibibigay ang P55 na umento sa sahod sa mga manggagawa sa Rehiyong Bikol.
Sa pahayag sa Brigada News-Sorsogon ng opisyal, sinabi nito na marami kasing mga bagay ang dapat na ikonsidera tulad na lamang umano na karamihan sa mga negosyo sa Bicol Region ay mga maliliit lamang.
Hindi umano kakayanin ng mga ito na ibigay ang increase ng isang bagsakan lamang, bukod pa sa apektado ang lahat sa krisis na dulot ng pandemya.
Una rito, sa inilabas na wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board V ang PhP55 na dagdag sahod sa mga mangagawa ay hahatiin sa dalawang tranches kung saan ngayong buwan pa ng Hunyo maibibigay ang 1st tranche na P35 habang sa December 1 naman ibibigay ang 2nd tranche na P20.
