DOLE at PCA, patuloy ang kooperasyon para suportahan ang mga magniniyog sa rehiyon sa kanilang Coco Mark Project

BNFM BICOL – PATULOY ang Department of Labor and Employment o DOLE Bicol sa pakikipagtulungan sa Philippine Coconut Authority o PCA para sa layuning masuportahan ang mga magsasaka ng niyog sa rehiyon sa kanilang Community-based Direct Copra Marketing (CoCo Mark) Project.

Kagunay nito, tinanggap ng Bantonan Community Development Cooperative (BACODECO) sa bayan ng Camalig, Albay at Maymatan Farmers Multi-Purpose Cooperative (MFMPC) sa bayan naman ng Goa, Camarines Sur ang tig-tatlong milyong piso para magamit sa pamimili ng copra direkta sa mga magsasaka ng niyog sa kanilang mga lugar.

Ang naturang grant ay naipagkaloob sa ilalim ng Social Amelioration and Welfare Program o SAWP para sa Biodiesel Sector na may layuning matutulungan ang nasabing kooperatiba pagdating sa direct trading at paghahatid ng kanilang mga produkto copra patungo sa mga biodiesel plants. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *