KORONADAL CITY- UPANG mapataas ang tyansa na ma-hire sa isasagawang Labor Day Trabaho Negosyo Kabuhayan o TNK Job and Business Fairs bukas, May 1, hinihikayat ni Department of Labor and Employment o DOLE 12 assistant regional director Arlene Bisnon ang mga jobseekers na maging handa at magdala ng maraming kopya ng application letter at credentials.
Inihayag ni Bisnon na kailangang dalhin ng mga jobseekers ang photocopy ng kanilang transcript of records, diploma, training certificates at iba pang credentials na nagpapakita ng kanilang competence sa inaaplayang trabaho.
Kailangan din na presentable ang mga ito at handa sa isasagawang job interview.
Napag-alaman na mahigit sa 1,500 na mga bakanteng trabaho sa local at overseas ang maaaring aplayan ng mga job seekers sa Labor Day Job Fair na gaganapin sa KCC Mall of Marbel Events Center.
