Crime incidents sa rehiyon 12, bumaba sa 1st quarter ng 2022


KORONADAL CITY- BUMABA ang crime incidents sa rehiyon 12 sa unang quarter ng taong 2022 dahil sa mas pinaigting na mga hakbang nito upang mapanatiling ligtas ang komunidad sa gitna ng COVID 19 pandemic at election campaign period.

Sa datos ng Police Regional Office 12 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Alexander Tagum, ang Total Crime Incidents o TCI ng PRO 12 sa 1st quarter ay bumaba ng 440 incidents o 15.35% kung ikukumpara sa katulad na panahon noong 2021.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ang TCI ay ang bilang ng mga krimen na nangyari sa isang lugar na nai-report at na-record sa police blotter at natipon ng Regional Investigation and Detective Management Division.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon kay Regional Director Tagum na ang pagbaba ng recorded crime incidents sa Soccsksargen ang dahil sa nagpapatuloy na intelligence-driven at focused police operations sa buong rehiyon laban sa anumang klase kriminalidad.