DOJ: walang obligasyon ang Pilipinas na sumunod ICC investigation

Naninindigan ang Department of Justice na walang obligasyon ang Pilipinas na sumunod at makipagtulungan sa anumang imbestigasyon na ginagawa ng International Criminal Court o ICC.

Ayon kay DOJ Usec. Margarita Gutierrez, ito’y dahil hindi na miyembro ang Pilipinas ng ICC.

Iginiit aniya ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na hindi kailangang manghimasok ang ICC dahil ang Pilipinas ay may masigla at gumaganang justice system na kayang maglitis sa anumang kaso na naganap sa loob ng teritoryo nito.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ang mga representante ng international bodies tulad ng ICC na nasa loob ng bansa ay kinakailangang sumunod sa konstitusyon at alituntunin tulad ng paghingi ng consent at approval sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno tulad ng DFA, DILG at DOJ bago makapagsimula ng pormal na imbestigasyon sa bansa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Nilinaw din ng kagawaran na wala silang natatanggap na opisyal na komunikasyon o kumpirmasyon kung nasa loob na ng bansa ang mga kinatawan ng ICC upang mag imbestiga sa anumang human rights violation sa drug war campaign ng nagdaang administrasyon.