Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang isang lalaki na nagbantang ikakalat ang mga hubad na larawan at video nang ka chat niyang babae.
Kinilala ang suspek na si Vicente Nuñez, na naninirahan sa San Isidro, Rodriguez, Montalban, Rizal.
Inaresto ang suspek sa entrapment operation sa Cubao, Quezon City.
Ito’y matapos ireklamo ng 33-taong gulang na babae mula sa Taguig, na pinipilit umano siya ng isang Facebook account na gamit ang pangalang “Jemar Nuñez” na makipagkita, kapalit ng hindi paglalabas ng mga maseselang larawan at video ng biktima.
Ang arestadong suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Art 286 ng Revised Penal Code o Grave Coercion, at RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.