UN Special Rapporteur Irene Khan, makikipagpulong sa DOJ

Inaasahang makikipagpulong sa Department of Justice si UN Special Rapporteur for Freedom of Opinion and Expression Irene Khan.

Sinabi ni DOJ Usec. Maragarita Gutierrez, ito’y upang talakayin ang mga hjakbang ng pamahalaan na nagpapatibay sa justice system, freedom of expression at rule of law sa bansa.

Read More:  Palace blames political noise, fake news for economic slowdown

Naghanda rin ang kagawaran ng welcoming dinner kay Khan mamayang gabi upang pormal na umpisahan ang kanyang pagbisita sa Pilipinas na tatagal hanggang Feb 2.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Si Khan ang ikatlong UN Rapporteur na bumisita sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.