Nakipag-ugnayan na ang Department of Justice sa pamahalaan ng Timor Leste para sa deportasyon ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. pabalik ng Pilipinas.
Ito ay upang harapin ni Teves ang mga kasong murder na inihain sa Regional Trial Court.
Ayon kay Justice Assistant Secretary Mico Clavano, tiniyak ng pamahalaan ng Timor Leste na handa itong makipag tulungan sa DOJ lalo na kung may request na ang pamahalaan para ideport si Teves.
Dahil sa walang extradition treaty, idinaan ito sa request na sila na lamang ang magvolunteer na ipadala si Teves sa Pilipinas.
Sinabi ni Clavano na kung may extradition treaty ay obligasyon ng Timor Leste na ipadala si Teves sa bansa.
Kaugnay nito, kinumpirma na rin ng DOJ na kanselado na ang pasaporte ng mambabatas.