Kinumpirma ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, Chairperson, Senador Ronald Bato Dela Rosa na nagpadala sa kanyang komite ng liham si Jeffrey Ariola Magpantay.
Ito ay matapos siyang ‘di makadalo sa naging pagdinig para sa kaso ng pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.
Ayon kay Dela Rosa, base sa liham na ibinigay ni Magpantay ay tiniyak niyang darating na siya sa susunod na pagdinig.
Paglilinaw pa umano ni Magpantay, hindi siya ang may masamang pakiramdam kundi ang kanyang abogado kung kaya’t di umano siya makadalo at nawala rin niya ang vaccine card niya.
Kaugnay nito, binigyang-diin naman ng senador na talagang darating ito sa susunod na pagdinig dahil iisuehan nila ito ng subpoena upang obligahing humarap sa Senado.
Maalala, si Magpantay ang bodyguard ni Police Major Allan de Castro na pinaniniwalaang suspek sa naging pagkawala ni Camilon.