Mga proyekto para sa publiko, dapat hindi mahaluan ng pulitika – PBBM

Dumalo si Pangulong Bongbong Marcos sa 2024 General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines sa isang hotel sa Pasay City.

Sa kanyang talumpati, kinilala ng Pangulo ang papel ng mga local chief executives sa pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon sa Pangulo, mahalagang mapakinggan ang mga punong bayan dahil sila ang unang nakakaalam sa sitwasyon ng kanilang lugar.

Pagdating naman sa pagtulong sa kanilang mga nasasakupan, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na hindi na dapat hinahaluan ng pulitika lalo na sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto na para sa ikabubuti ng taumbayan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Anya dapat anyang isipin na kahit wala silang makuhang credit sa proyekto, ang mahalaga ay maging maayos ang kalagayan ng kanilang nasasakupan.