Target ng Department of Justice na ilipat si confessed drug dealer Kerwin Espinosa sa mas secure na detention facility, matapos na magplanong tumakas ang mula ito sa National Bureau of Investigation jail.
Mababatid na noong January 13, nagplano si Espinosa at dalawang iba pa na pumuga sa pamamagitan ng butas ng exhaust fan sa bubong ng NBI facility.
Pero ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang paglipat kay Espinosa, ay nangangailangan ng commitment orders mula sa mga korte.
Dagdag ni Guevarra, irerekomenda ng DOJ ang most secure facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
