Binigyang diin ng Department of Health (DOH) ang pagtaas sa bilang ng hospital admissions sa National Capital Region (NCR), sa gitna ng pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 .
Sa ngayon, ang bed utilization rate sa NCR ay nasa moderate risk sa 60%, habang ang ICU utilization rate ay nasa 58%.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 32 mula sa 159 na mga ospital sa NCR ay hindi nakasunod na required na COVID-19 capacity allocation, kung saan may 42 na mga ospital ang may high-risk bed utilization, at 29 hospitals naman ang may high-risk ICU utilization.
Dagdag ni Vergeire, ang okupadong higaan ay bumaba sa 219, habang ang occupied ICU beds ay tumaas ng 67, kumpara noong nakaraang linggo.
Samantala, nanawagan ang DOH sa mga local government units na i-activate ang kanilang telemedicine services, maghanda ng isolation facilities, at imonitor ang probable at confirmed cases.