DOJ, muling nanindigang walang hurisdiksyon sa bansa ang ICC

Muling nanindigan si Justice Secretary Boying Remulla na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court o ICC sa Pilipinas.

Sa statement ng kalihim, sinabi nitong bilang isang malayang bansa, may karapatan ang gobyerno na mamili ng sariling “legal framework” at tugunan ang mga international matters na hindi nangangailangan ng pangingialam ng external bodies.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ang pag withdraw ng bansa sa ICC ay malinaw na pagpapakita ng matibay na paninindigan na ipaglaban ang soberanya at itaguyod ang integridad ng justice system sa Pilipinas.

Paulit-ulit rin anyang ipinapakita ng Pilipinas ang kahandaan, kagustuhan at kakayahan na mag imbestiga at panagutin ang mga krimen na nagaganap sa ating hurisdiksyon, at tiniyak na mabibigyan ng hustisya ang mga mamamayan.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Binigyang diin pa ni Remulla na ang presenya ng mga international bodies sa bansa ay dapat sumunod sa itinatakdang batas at konstitusyon.

Ang statement ni Remulla ay kasunod nang sinabi ni Atty. Harry Roque na dating Presidential Spokesperson ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa loob na umano ng bansa ang ICC investigator.