Nagpa-abot ng pagbati si Pangulong Bongbong Marcos sa Filipino-Chinese community para sa pagdiriwang ng Chinese new year.
Naniniwala ang Pangulo na magdadala ng walang katapusang posibilidad ang year of wood dragon.
Kasabay nito hinimok nya ang publiko na magbalik-tanaw sa mga naging accomplishment noong 2023.
Umaasa ang Presidente na ang mga tagumpay ng 2023 ang magsisilbing ningas para mas maging masigasig at positibo pa ang bawat isa ngayong 2024 para maiangat ang bansa tungo sa mas mataas na antas.
Paalala rin ni Pangulong Marcos, sa pag abot ng pangarap na pag unlad at kasaganaan, mas matutupad ito kung sasabayan ng sipag at determinasyon.
Hiling din nito na pahalagahan ang mayaman nating kultura na syang maglalatag ng pundasyon para sa mapayapa, maayos at progresibong Pilipinas.