DOJ, inilatag ang mga posibleng parusa vc erring cops re: Drug war related deaths

Tinukoy ng Department of Justice ang mga posibleng parusa laban sa mga sangkot na police officers, sa review ng mahigit 50 drug war-related cases.

Paglalahad ni DOJ Undersecretary Adrian Sugay, pwedeng matanggal sa serbisyo ang mga ito, pwedeng demotion, at pwede rin umanong suspension.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Pagdating naman umano sa usapin ng criminal liability, pwedeng makasuhan sila ng murder o homicide kung nakita na talagang may intensiyon na pagpatay sa mga drug suspects.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sinabi ni Sugay na nireview nila ang 51 kaso at nadiskubreng may lapses na nagawa ng karamihan sa mga pulis na nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakapatay sa ilang drug suspects.

Una nang sinabi ng DOJ na mayroong mahigit 150 police officers na dawit sa operasyon. //MHEL PACIA-TRINIDAD