Iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipinagbabawal ng gobyerno sa mga establishimyento sa buong bansa ang pagsibak sa mga tauhan nito na hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Sinabi ni Guevarra na malinaw sa ilalim ng COVID-19 Vaccination Prgram Act of 2021 na hindi compulsary ang pagpapabakuna.
Giit ng kalihim, hindi dapat ginagawa ang COVID-19 vaccine bilang karagdagang requirement para sa employment.
Inihayag ito ni Guevarra matapos sabihin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magagamit ang bagong IATF resolution sa “no vaccine, no work” o sa “no vaccine, no pay” policy.
Ang tinutukoy ni Bello ay ang resolusyon na nagpapahintulot sa mga restaurants at personal care serivces na mag-operate sa gusto nitong kapasidad sa kondisyon na fully vaccinated na ang lahat ng mga trabahante nito.
