DOH, hiniling ang EUA amendment para sa 4th dose vs COVID

Nagsumite na ang Department of Health ng aplikasyon sa Food and Drug Administration para sa pag-amyenda ng emergency use application ng COVID-19 vaccines, para payagan ang fourth dose para sa mga senior citizens at immunocompromised individuals.

Dahil dito, sinabi ni DOH spokesperson Ma. Rosario Vergeire na hinihintay nalang nila ang magiging desisyon ng FDA.

Una nito, inirekomenda ng vaccine expert bansa ang pagbibigay ng isa pang booster dose sa mga senior citizens at immunocompromised individuals.

Sa ngayon, ang EUA ng available COVID-19 vaccine brands sa bansa ay pinahihintulutan lang ang primary shots at booster doses. //MHEL PACIA-TRINIDAD