Sara, hindi pa masabi kung makakadalo ito sa mga susunod na debate sa hinaharap

Hindi pa masabi ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte kung makakasali ito sa mga debate na may kinalaman sa 2022 elections sa hinaharap.

Sinabi ni Duterte sa isang ambush interview na hindi pa ito napag-uusapan ng kanilang team sa ngayon.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Matatandaan na hindi dumalo si Duterte sa vice presidential debate na inorganisa ng isang TV broadcasting station noong weeked.

Iginiit ni Duterte na meron siyang mga rason, ngunit hindi niya dinetalye kung ano-ano ang mga ito.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Nilinaw rin ni Duterte na mas gusto niyang mangampanya at marinig ang mga sentimyento ng mga tao.