DOH umapela na huwag na munang ibaba ang mga safety protocols kahit bahagyang bumababa na ang mga kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Umapela ang Department of Health sa lahat na huwag na munang ibaba ang mga safety protocols kahit bahagyang bumababa na ang mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Sa gitna ito ng unti- unting pagluwag lalo na sa polisiya ng mga Local Government Units.

Dito sa lalawigan ng Camarines Norte, bahagyang luluwagan ang umiiral na restrictions simula Nobyembre 1 kung saan isasailalim na lamang ito sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Pero kahit bahagyang luluwagan ang mga restrictions, mahigpit pa ring ipapatupad ang health protocols kontra COVID- 19.

Sa virtual press conference, sinabi ni Ken Nuyda ng Regional Epidemiology Unit ng DOH Region V na kahit bumababa na ang naitatalang kaso ay hindi dapat maging kampante dahil nananatili pa rin umano ang banta ng COVID- 19.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Paalala ni Nuyda lalo na sa mga lumalabas ng bahay na huwag balewalain ang pagsunod sa health protocols sa opisina, mall, palengke at mga pampublikong lugar.

Importante umano ang tamang pagsusuot ng face mask at face shield lalo na kung nasa pampublikong transportasyon at lugar.

Dapat din umanong palaging maghugas o mag sanitize ng kamay lalo na kung nagaalaga ng bata at matanda.

Kabilang sa ilang pagluwag sa lalawigan simula sa Nobyembre 1 ay ang oras ng curfew na magigi nang alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Exempted na rin sa antigen test ang mga fully vaccinated sa pagpasok sa lalawigan at kinakailangan na lamang magpakita ng Vaccination Card, valid ID at travel pass.

Ang mga batang siyam na taong gulang pababa sa pagpasok sa lalawigan ay hindi exempted na rin sa Antigen test.

Papayagan na rin ang biyahe ng mga bus palabas ng papasok at palabas ng probinsiya.