Mananatili pa ring suspendido ang mga operasyon ng e-sabong sa buong bansa.
Ito ay makaraang i-isyu ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order (EO) No. 9 na layong pagtibayin ang suspension ng mga operasyon ng online sabong.
Ibig-sabihin, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang lahat ng mga operasyon ng e-sabong, pati n arin ang pagla-live stream nito.
Ipinunto sa order na may obligasyon ang Estado na protektahan ang ‘public health’ at ‘morals’ ng mga Pilipino, at i-promote ang pag-protekta sa public safety ng publiko.
Sa ilalim pa ng EO, pinaiigting pa sa mga law enforcement agencies ang crackdown laban sa mga iligal na e-sabong.



READ MORE:
Matatandaaang nitong Mayo nang ipag-utos ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang suspension sa mga e-sabong.
Nagpapatuloy naman ang imbsetigasyon ng Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), at ng Philippine National Police – Criminal Investgation and Detection Group (PNP-CIDG) para matukoy ang mastermind sa pagkawala ng 34 na mga cockfighting enthusiast.
