Target ng Department of Health (DOH) na bawasan ang quarantine period ng mga fully vaccinated healthcare workers na exposed sa COVID-19 patients, mula sa kasalukuyang 14 days sa pitong araw nalang.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay para matiyak na mas maraming healthcare workers ang magiging available na magtrabaho sa mga ospital, sa harap ng surge sa mga kaso ng COVID-19.
Pero giit ni Vergeire, kailangang negatibo ang resulta para sa COVID ang mga healthcare workers sa ika-limang araw ng kanilang quarantine.
Sa ngayon, fina-finalize na umano ito at sa oras na magkasunod ang mga eksperto na kinokonsulta ng DOH ay agad silang magpapalabas ng polisiya. //MHEL PACIA-TRINIDAD
