P28.1B hiniling na budet para sa kontrobersiyal na NTF-ELCAC para sa 2022

Ibinunyag ng Duterte administration na humiling sila ng mas malaking pondo para tapusin ang kumunista sa Pilipinas, sa gitna ng patuloy naman na laban kontra sa COVID-19 pandemic.

Maliban dito, nais rin nila na maglaan ng bilyon-bilyon para sa intelligence funds ng Office of the President.

Kahapon, nang isumite ng Malakanyang ang final proposed national budget sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan ang P5.024 trillion proposed budget para sa 2022 ay ipapasa sa Kongreso para sa deliberasyon.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Sa ilalim ng National Expenditure Program para sa 2022, ang kontrobersiyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nakatakdang tumanggap ng P28.1 billion.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Sa kabila ng panawagan para tanggalan ng pondo dahil sa red tagging ng kanilang mga opisyal, matatanggap ang task force ng mas mataas kumpara sa P19 billion budget nitong taon.

Samantala, hiniling rin sa proposed budget na maglaan ng P4.5 billion para sa intelligence at confidential expenses sa ilalim ng opisina ni Duterte. // MHEL PACIA-TRINIDAD