DOH sa mga employers: Magsagawa lang ng virtual xmas parties

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga employers na magsagawa lang ng virtual parties ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nananatili parin kasi ang banta ng COVID-19 sa bansa, sa kabila na bumaba na ang mga bagong kaso ng COVID-19.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Pakiusap ni Vergeire, gawin lang muna ang naturang sakripisyo upang lalo pang mapigilan ang infections sa bansa.

Una nito, inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government na pinapayagan na ang in-person parties sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2, sa kondisyong nasusunod ang health protocols, maging ang 50% venue capacity limit.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Sakali namang ituloy ang mga parties, hinihimok ng pamahalaan na tanging ang mga fully vaccinated individuals lang ang payagan na makadalo. //MHEL PACIA-TRINIDAD