PH, nagtala ng 544 new COVID-19 cases

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 544 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas pa ang nationwide tally sa 2,833,878.

Ito na ang pang-ika sampung sunod na araw na nagtala ang bansa ng hindi lalampas sa 1,000 na mga bagong kaso.

Ayon sa DOH , bahagyang bumaba naman ang active infections sa 14,977, kung saan 688 ang asymptomatic, 7,166 ang mild, 3,801 ang moderate, 2,433 ang severe, at 889 ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa ngayon nasa 1.8% pa ang COVID-19 positivity rate, na bahagyang mataas mula sa 1.7% positivity rate na naitala noong Huwebes, pero parehong pasok sa requirement target ng World Health Organization na less than 5% positivity rate.

Samantala, tumaas naman ang total recoveries sa 2,769,914, matapos gumaling ang 734 pang pasyente mula sa viral illness, habang 235 ang naitalang bagong fatalities dahilan para umakyat ang death toll sa 48,987. //MHEL PACIA-TRINIDAD