CA, pinayagan si Ressa na personal tanggapin ang Nobel award

Pinayagan ng Court of Appeals si Rappler CEO Maria Ressa na personal na tanggapin ang kanyang Nobel Peace Prize award sa Oslo, Norway.

Sa siyam na pahinang ruling, nagpatupad ang appeals court Special 7th Division ng ilang kondisyon para sa kanyang Oslo trip.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Una, kailangan ipaalam ni Ressa sa korte ang kanyang pagdating sa Pilipinas mula sa Boston trip; pangalawa, ang kanyang previous travel bond na P500,000 ay gagamitin para sa kanyang December 8 to 13 Oslo, Norway trip at pangatlo, kailangan ipaalam nito sa korte ang kanyang pagbabalik sa bansa, sa loob ng 24 na oras mula sa kanyang pagdating.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Nabatid na ang awarding ceremony ay nakatakda sa December 10, na death anniversary ng Swedish industrialist Alfred Nobel na nanguna sa parangal sa kanyang 1895 last will. //MHEL PACIA-TRINIDAD