Naniniwala ang Department of Health Regional Office 2 na mababakunahan ang target population na binubuo ng 66, 268 individuals na mabakunahan sa Part 4 ng Bayanihan Bakunahan sa March 10-12, 2022.
Ito ang inihayag ni RVOC Assistant Operations Head Nurse III Jellico Bryan Cabatotan saikatlong townhall meeting ng DOH region 2.
Aniya, ang ibinigay ng NVOC na target mabakunahan sa Rehiyon ay 66, 268 na indibiwal kung saan binubuo nito ang 31, 720 second dose target; 4, 935 priority group A2 target; 36,655 primary dose series target 29,614 na target mabakunahan ng booster sht.
Dagdag pa ni Nurse III Cabatotan, prayoridad na mabakunahan sa 3-day national vaccination ang mga indibidwal na hindi pa nakatanggap ng kanilang 2nd dose vaccine at natitirang indibidwal na kabilang sa A2 o mga senior citizen.
Kabilang rin umano dito ang hindi pa nababakunahang kabilang sa pedia population o mga 12-17 anyo at pagbabakuna ng booster shot sa mga nasa health and economic sector.
Sa naturang aktibdad ay plano na aniyang ilapit ang bakuna sa mga komunidad na kaunti pa lamang ang bilang ng indibidwal na nababakunahan at maging sa mga workplace.