50 na bahay, ipinasakamay ng DSWD RO2 sa mga CSAP beneficiary sa Cagayan

Ipinasakamay na ng Department of Social Welfare and Development Region 2 ang 50 na bahay sa mga benepisaryo ng Core Shelter Assistance Program (CSAP) sa Barangay Caroan, Gonzaga, Cagayan.

Pinangunahan ni DSWD FO 2 Assistant Regional Director for Operations Franco Lopez katuwang ang Barangay Official at Municipal Social Welfare Development Officer Renie Imperio ang pagbibigay ng Certificate of Ownership sa 50 na benepisaryo.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang mga natukoy na benepisaryo ay mga pamilyang nasira ang kanilang mga kabahayan nang manalasa ang Super Typhoon Juan noong 2010.

Sa pamamagitan ng nasabing programa ay mayroong 3.5 milyon pesos assistance grant ang inilaan ng ahensya para sa konstruksyon ng bahay noong 2011.

Habang nagbigay naman ng karagdagang financial assistance para sa konstruksiyon ng bahay at technical support ang Local na Pamahalaan ng Gonzaga.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dagdag pa ni ARD Lopez, ang naturang mga bahay ay ipinatayo mismo ng mga benepisaryo sa pamamagitan ng suportang ibinigay ng LGU.

Sa ngayon ay nasa 56 na karagdagang bahay sa Tuao at Buguey, Cagayan ang nakatakdang pasinayaan ngayong buwan.