DOH posibleng makapag-angkat na ng 10k vials ng tocilizumab ngayong Sept

Patuloy sa paghahanap ng paraan ang pamahalaan kung paano makakakuha ng suplay ng gamot na tocilizumab na ginagamit para sa mga pasyenteng may covid-19.

Inihayag ni Health Secretary Fransisco Duque III na iniulat mismo sa kanya ni Dr. Melissa Guerrero, program manager ng DOH pharmaceutical division na posibleng makapag-angkat ang isang drug company sa bansa ng 10,000 vials ng nasabing gamot hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Kaugnay nito, aminado ang kalihim na bagama’t posibleng magkaroon na ng suplay ay kakaunti o kulang pa rin ito para sa mga covid-19 patients.

Ayon kay Duque, one vial per one patient ang paggamit ng tocilizumab ngunit may mga pagkakataon aniya na maaaring higit pa sa isang vial ang magamit sa isang pasyente.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Mababatid na nauna ng sinabi ng kagawaran na hanggang sa katapusan na ng taon mararanasan ang kakulangan o limitadong suplay ng tocilizumab sa bansa dahil sa global shortage nito.