COVID patients, inaabot ng 4-6 hrs bago madala sa ospital – One Hospital Command Center

Inihayag ni One Hospital Command Center Operations Manager Dr. Bernadette Velasco na sa ngayon ay umaabot sa apat hanggang anim na oras ang hinihintay bago madala o maadmit sa mga ospital ang mga covid-19 patient na tumatawag sa kanila.

Aminado si Dr. Velasco na medyo may katagalan bago maadmit sa mga ospital ang isang pasyente, dahil na rin sa mga punuan ang mga ospital.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ipinunto ni Velasco na hindi lamang naman ospital ang kanilang hinahanap kundi may ibang dapat pa ring ikonsidera kagaya ng ambulansya na gagamitin upang sunduin at ihatid sa natukoy na ospital ang pasyente.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Velasco na kung emergency cases, target nila na madala ang covid-19 patient sa ospital sa loob lamang ng isang oras.

Samantala, inihayag naman ng One Hospital Command Center na nananatiling nasa high risk ang hospitalization rate sa buong Metro Manila.