CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko (DOH) na huwag maging kampante sa kabila ng pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.
Kahapon, nakapagtala ng 17 bagong kaso ng sakit ang lalawigan at mataas na bilang ng mga gumaling sa 256.
Dahil dito patuloy din ang pagluwag ng mga pagamutan na ngayon ay nasa low risk.
Batay sa healthcare utilization rate update ng DOH kahapon, sa 172 beds na inilaan para sa COVID dito sa Camarines Norte, nasa 60 ang nagamit o katumbas ng 34. 9 % utilization.
Nasa low risk ang isolation beds sa 47. 8%, habang ang COVID ward bed utilization ay nasa 18. 9 %.
Para naman sa ICU beds for COVID utilization, nakapagtala ang probinsiya ng 33.3% at 12. 5 % naman ang naitalang pagamit sa mechanical ventilators.
Sa virtual press briefing kahapon, binigyang diin ni Kenn Nuyda ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng DOH Bicol na importante pa rin ang pagsunod sa health protocols.
Sana rin daw ay patuloy pa ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng nagkakasakit.
Hangad rin daw ng DOH ang patuloy na pagsuporta ng mga stakeholders sa kalusugan kabilang na ang mga government agency, LGUs at pribadong sektor.
Hinimok din nito ang mga hindi pa nababakunahan na makipag ugnayan na sa kania- kanilang LGUs para mabigyan na ng schedule sa pagbabakuna.

