DOH: No walk-in sa COVID vax para sa mga batang 5-11y/o

Hindi ipinapayo ng Department of Health (DOH) ang walk-in COVID-19 vaccination para sa mga batang may edad lima hanggang 11-taong gulang, upang mapigilan ang crowding sa vaccination sites.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito kasi ay maaring magdulot sa pagkalat ng virus.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Mababatid na ang rollout ay nakatakdang simulan sa Metro Manila sa February 4 sa mga ospital, gaya sa National Children’s Hospital, Philippine Children’s Medical Center, at sa Philippine Heart Center.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Pagdating ng hapon, palalawigin na ang rollout sa ibang mga lugar.

Samantala, sinabi ni Vergeire na bibihira lang ang adverse events following vaccination, bagama’t asahan na umano ang mild side effects, gaya ng sakit at pamamaga sa injection site, fatigue, at headache. //MHEL PACIA-TRINIDAD