Morissette, Dave Lamar, kasal na

Inanunsyo ng musician couple na sina Morissette at Dave Lamar na sila ay kasal na sa loob ng ilang buwan na.

Ang larawan sa kanilang kasal ay ibinahagi ni Morissette sa pamamagitan ng Instagram.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Nakasaad dito, sobrang saya nila na opisyal na nilang inanunsyo na sila ay mag-asawa na.

Aminado naman ang singer na nahirapan silang itago ito bilang sekreto sa loob ng ilang buwan.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Parehong inilarawan ng couple ang kanilang journey bilang “incredible.”

Hindi naman nagbigay ang mga ito ng iba pang detalye ng kanilang kasal, kabilang na ang petsa at kung saan ito isinagawa. //MHEL PACIA-TRINIDAD