Nilinaw ng Department of Health na walang dapat ipag-alala ang mga buntis na hindi pa makakapagpa-booster shot.
Sinabi ni DOH National Vaccination Operations Center Undersecretary Myrna Cabotaje na isinasapinal pa kasi ang polisiya sa pagbibigay ng booster shot sa mga buntis.
Ayon kay Cabotaje, sa kasalukuyan ay inirerekomenda munang hintayin ng mga buntis na makapanganak sila bago magpaturok ng booster shot.
Aminado din si Cabotaje na bahagyang bumagal ang bakunahan dahil sa pagkakasakit ng ilang healthcare workers.
Una nang inihayag ng DOH na target na mabakunahan ang 90million na Pilipino hanggang sa ikalawang quarter ngayong taon.
