Muling kinilala at pinarangalan ng Guinness Book of World Records ang 190 years old na pagong na si Jonathan bilang “World’s Oldest Land Living Animal.”
Taong 1882 nang matagpuan si Jonathan sa isang British overseas territory sa Atlantic Ocean.
Noong panahon na iyon, si Jonathan ay may gulang na 50-anyos kung kaya’t minabuti ng pamahalaan na bigyan siya ng nararapat na pag-alaga at pagkalinga sa pamamagitan ng pag-assigned sakanya ng isang veterinary team.
Bago kilalanin bilang pinakamatandang land animal na nabubuhay sa mundo, pinarangalan na siya noon ng Guinness bilang “Oldest Tortoise.”
Sa ngayon, mahina na ang paningin at pang-amoy ni Jonathan ngunit malakas pa rin siyang kumain.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol