70 patay, mahigit 130 sugatan sa airstrike sa Yemen

Patay ang tinatayang pitumpung tao habang mahigit 130 ang sugatan sa airstrike na tumama sa detention center sa Yemen.

Ito ang kinumpirma ng Doctors Without Borders kasabay ng pagpapatuloy ng Saudi-led sa kanilang opensiba sa rebelde sa war-torn na bansa.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Isa pang airstrike ang tumama sa telecommunications building sa Hodeidah na nagdulot ng nationwide internet blackout.

Sinisi naman dito ng Iran-back Houthi rebels ang Saudi-led coalition sa nasabing strikes.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Kaugnay nito ay agad na nagpadala ng emergency medical supplies ang Red Cross sa dalawang ospital na pinagdalhan ng maraming casualties.

Hindi naman nagkomento ang Saudi-led coalition hinggil sa dalawang magkasunod na airstrike