DOH, nanindigang hindi pa kailangan ng border control kasunod ng naitalang kaso ng mpox

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na hindi pa kakailanganin ng border control laban sa Mpox.

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ng kaso ng mpox sa bansa mula noong nakaraang taon.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Ayon kay Secretary Teodoro Herbosa, hindi na praktikal ang pagsasara o border control lalo pa’t nasa bansa na sakit.

Sinabit nitong ang pinakabagong kaso ng mpox ay walang travel history.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Nakuha umano nito ang sakit sa community transmission.

Samantala, nakatakdang maglabas ng guidelines ang DOH na naglalaman ng mga panuntunan kontra sa mpox sa mga susunod na araw.