Naiulat ng Department of Health ang 2,730 na bagong COVID-19 cases, na pinakamababa nang naitala ngayong taon.
Ayon sa DOH, nasa mahigit 3.6 million na ang mga naitalang kaso sa bansa mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Makikita rin sa datos ng DOH na bumaba ang bilang ng mga aktibong kaso sa 76,609 kabilang na ang 69,574 na mild, 2,310 na asymptomatic, 1,443 na severe, at 312 na nasa critical condition.
Inihayag ng DOH na 2,627 ng mga kaso ay naganap sa nakalipas na 14 na araw sa National Capital Region, na nangunguna sa lahat ng rehiyon na may mataas na bilang ng mga bagong kaso matapos nitong umabot sa 467.
Nairehistro rin ng DOH ang 34% na utilization rate sa intensive care unit beds sa buong bansa, habang nasa 18% naman ng mechanical ventilators ang patuloy na ginagamit.
Pumalo naman sa 55,094 ang death toll ng bansa matapos itong madagdagan ng 164 na bagong fatalities.
Makikita rin sa datos na nasa mahigit 3.5 million na ang mga gumaling mula sa sakit na dulot ng virus, kabilang na ang 7,456 na bagong recoveries.
Meron naman 68 duplicate cases ang inalis mula sa total case count habang nasa 121 kaso na dating natukoy bilang recovery ang na-reclassify bilang deaths.
Samantala, nasa 2 laboratoryo lamang ang bigong makapagpasa ng kanilang datos sa itinakdang oras.
