Umabot na sa tinatayang 91,000 ang bilang ng mga menor-de-edad na 5-11 na nabakunahan kontra COVID-19.
Ipinunto ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na base sa mga ulat nina Undersecretary Myrna Cabotaje at Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay “very minimal” lamang ang mga naitalang kaso ng mga bata na nakaranas ng side effect.
Dagdag ni Galvez, wala pang naitatalang major side effect ang gobyerno para sa mga bata na nabakunahan na kontra COVID-19.
Kasama na aniya rito ang mahigit 9-milyong kabataan na edad 12-17 na nabakunahan na kontra COVID-19.
Tiniyak ni Galvez sa publiko na ligtas ang pagpapabakuna kontra COVID-19.
