DOH, nagtala ng mataas na bagong kaso ng Covid-19 matapos ang dalawang buwan

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 425 new Covid-19 cases sa bansa kung saan tumaas ito sa nakaraang dalawang buwan.

Sinasabing ang huling mataas na kaso ng naturang sakit ay naitali noong April 3 ngayong taon kung saan umabot ito sa 690.

Read More:  Senator Bato files 2 bills despite Senate absence

Umabot na sa 3,694,529 ang kabuuang bilang ng kaso sa Pilipinas kung saan nasa 3,462 ang mga aktibong kaso.

Read More:  Ejercito urges PhilHealth to use returned P60 billion for healthcare services

Samantala, nauna ng pinaalalahanan ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko sa posibleng paglobo ng kaso sa darating na Agosto. (ARGIE ERGINA)