Sunny Hill Festival ni Dua Lipa, gaganapin na sa Albania

Kinumpirma ng British pop star na si Dua Lipa na gaganapin na ang kanyang festival sa Tirana Albania sa darating na Agosto.

Ito’y matapos hindi aprubahan ng pamahalaan ng Kosovo ang land lease para sa naturang event sa Pristina.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Sa Instagram post ng singer, sinabi niya na parehong araw at magandang experience sa ibang lokasyon mangyayari ang Sunny Hill Festival.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Samantala, inilunsad ang pinakamalaking music festival sa Kosovo noong 2018 ni Lipa at ng kanyang ama at manager na si Dukagjin Lipa. (ARGIE ERGINA)