Nadagdagan ang bilang ng mga healthcare workers ng James L. Gordon Memorial Hospital sa Olongapo.
Ito ay makaraang magpadala ng pitong nurses ang Department of Health bilang augmentation o dagdag sa bilang ng personnel ng kaisa-isang public hospital sa lungsod.
Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel, malaking tulong sa ospital ang pagdating ng pitong nurse lalo pa’t marami na sa mga ito ang nag-resign matapos tamaan ng covid-19.
Sa ngayon, mayroon nang mahigit apatnapung tauhan ang James Gordon Hospital pero kung tutuusin ay kukulangin pa din sa dami ng mga tinatamaan ng covid-19 at mga pasyenteng isinusugod sa pagamutan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
