2 patay sa engkwentro sa mga pulis sa Polomolok

KORONADAL CITY — PATAY ang dalawang armado matapos nakipag-barilan sa mga kapulisan sa engkwentrong nangyari pasado alas-11:00 kagabi sa Purok Maunlad, Barangay Silway-8, Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ang mga namatay na sina Christian Dave Demafeliz at Robby Jay Ariño.

Ayon sa Polomolok PNP, rumesponde ang mga ito dahil sa reklamo ng concern citizen ukol sa dalawang lalaki na may bitbit umanong mga baril at pagala-gala sa kanilang lugar.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Pagdating ng mga pulis, agad umanong pinaputukan ng mga suspek ang kanilang patrol car dahilan upang gumanti ang mga ito ng putok. Agad namang timaan ang dalawa na isinugod pa sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 9mm, magazine at mga bala at dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Isasailalim naman sa ballistic at laboratory examination ang baril na nakuha sa mga ito para sa patuloy na imbestigasyon.